Huwebes, Oktubre 13, 2016

Papel ng Wikang Pambansa sa Pambansang Kaunlaran


  Papel ng Wikang Pambansa sa
 Pambansang Kaunlaran



     Sa kasalukuyang panahon, masakit mang-isipin ngunit totoo na sadyang kakaunti na lamang ang mga taong nagpapahalaga sa wikang Filipino. Ito ay dahil na rin sa modernisasyong nagaganap sa ating mundo na sadyang hindi na maiiwasan ang patuloy na pagbabago, May mga iba't-ibang salitang naimbento katulad ng Jejemon at Bekimon na nakakaapekto sa pagkakaiba ng pagkakaunawa sa mga salita. Bukod dito nakakaapekto rin ang pagkawala ng pagpapahalaga sa wika dahil sa wikang Ingles na kilala bilang Unibersal na wika kaya't maraming tumatangkilik upang maging pasok sa kasalukuyang henerasyon.


     Sa katunayan malaki ang ginagampananng papel ng wikang pambansa sa kaunlaran ng isang bansa. Ito ang nagsisilbing instrumento sa pagkakaunawaan at pagkakaisa ng bawat mamamayan. Ito rin ang kanilang tulay tungo sa maayos na komunikasyon. Malaki rin and ginagampanan nito sa iba't-ibang aspeto na makakatulong sa pagkamit ng pambansang kaunlaran. 


     Ang kahalagahan ng wika sa aspetong pang-ekonomiya, sa ating bansang Pilipinas mayroon tayong pambansang wika, Filipino, na siyang ginagamit sa pakikipagtalastasan sa iba. Halimbawa, sa pagpapalitan ng mga produkto ng mga taga-Bicol (Luzon) at taga-Cebu(Visayas), magkaiba ang kanilang wika ngunit sa tulong ng wikang pambansa nagkakaroon ng pagkakaunawaan sa kanilang pagitan. pagkakaunawaan na siyang susi sa maayos na daloy ng komunikasyon na magbubunga ng maayos na daloy pera at magbubunga rin sa mataas na antas ng ekonomiya.


     Pagdating naman sa kakayahan ng wika sa pagiging bahagi ng lipunan at kultura, kapag mayroong pambansang wika may iisang pagkakakilanlan ang isang bansa. Pagkakakilanlang nakabahagi sa bawat indibidwal na siyang dahilan ng magandang daloy ng komunikasyon sa lipunan. kung saan lahat ng tao ay may kakayahang gamitin at unawain ang sariling wika. Sa pamamagitan nito maipapakita natin sa ibang mga bansa ang ating pagkakaisa kaya't madali sa atin ang umunlad dahil tayo ay sama-sama dahil hindi ibig sabihin na nakakasunod ka sa wika ng iba tiyak na kasapi na ka na. Halimbawa, marami sa ating mga pilipino ang nagtatrabaho sa ibang bansa dahil sinasabi nilang madali rito ang hanapbuhay kaya't kailangan lamang na marunong kang makisabay sa kanilang wika at tiyak na mapapabilang kana sa kanilang bansa, ngunit kung iisipin na tunay ngang ganon lamang kadali ang lahat bakit ang mga kababayan nating pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa ay naninilbihan lamang sa mga dayuhan. Kaya't mas maganda parin sa ating bansa dahil ito'y tiyak na iyo.



     Kilala na rin bilang parte ng kultura ang ating wika, simula pa lamang sa panahon nang tayo ay unang natuto ng mga salita. Simula sa mga teoryang nakalap ng mga mananaliksik, sa iba't-ibang dayuhang nanakop sa ating bansa, sa panahon ng pamahalaang Commonwealh kung saan sinimulan ang pagbuon ng  tagalog na ngayo'y filipinong 1930 at hanggang sa kasalukuyan republika. Bukod dito malaki rin ang ginagampanan ng wika bilang ating pagkakakilalanlan dahil katulad ng ibang mga bansa halos magkaparehas ang ilan sa ating mga pagkakilanlan katulad ng hitsura ng mga taga-Myanmar, Malaysia, Indonesia at iba pang mga bansa kaya't lenggwahe ang malinaw na batayan sa pagiging bansa natin.


     Mahalaga ang papel ng wikang pambansa, filipino, sa ating pambansang kaunlaran lalo na sa buhay nating lahat dahil wala naman sigurong pilipino ang hindi pa nakakagamit ng ng wika o kahit anong uri pa ito ng wika. Lahat rin siguro ng tao kahit anong antas pa ito dahil ito ang ang ginagamit upang maipahayag ang ating saloobin, mga adhikain, mithiin at iba pa. Dahil kahit tayo'y magbalik sa nakaraan malaki mataga ang natulong ng wika sa ating pagkatuto at mas mauunawaan din natin kung bakit natin ito dapat pahalagahan lalo na sa mga pinagdaanan nito bago makamit bilang pambansang wika.


    Ngunit hindi natin maiiwasan ang reyalidad na ang bawat tao ay may kanya-kanyang pananaw sa mga bagay-bagay, maaaring tama sa iyo ngunit mali para sa kanila. Lagi na lamang tandaan na tayo'y pilipino may isang wika dahil wika mo, wika ko, wika nating mga pilipino. Tayo'y iisa saan mang sulok ng mundo.




3 komento:

  1. maraming salamat sa post na ito ng may-akda, nakatulong ito upang maging mas malinaw pa sa akin ang konsepto tungkol sa papel ng wika sa pag-unlad ng isang bansa.

    TumugonBurahin
  2. maraming salamat po dito da impormasyong iyong binahagi, malaking tulong po ito para masagutan ko po ang aking asignatura.

    TumugonBurahin
  3. Casinos Near Bryson City, OK - Mapyro
    Casinos 세종특별자치 출장마사지 Near Bryson City, 군포 출장안마 OK. Find 동해 출장샵 your nearest casinos and other gaming options near Bryson 전라남도 출장안마 City, 충주 출장샵 including popular restaurants.

    TumugonBurahin